Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pahayagan ng H. Korea, pinuna ang sangsyon sa bansa

(GMT+08:00) 2019-01-31 15:27:17       CRI

Isang artikulo ang inilabas nitong Miyerkules, Enero 31 ng Rodong Sinmun, opisyal na diyaryo ng Komite Sentral ng Workers' Party of Korea (WPK) ng Hilagang Korea (DPRK), bilang pagpuna sa paninindigang pagpapauna ng denuklearisasyon at saka pagpapahupa ng sangsyon.

Diin ng artikulo, ang nasabing paninindigan ng may kinalamang panig ay siyang dahilan kung bakit nasa deadlock pa rin ang talastasan sa pagitan ng Hilagang Korea at Amerika, nitong kalahating taon sapul nang idaos ang makasaysayang summit nina Kim Jong Un at Donald Trump sa Singapore noong Hunyo, 2018.

Hiniling ng artikulo sa may kinalamang bansa na tugunan ang kagandahang-loob at pagsisikap ng Hilagang Korea sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

Dagdag pa ng artikulo, mananatiling buong tatag ang paninindigan ng Hilagang Korea na itatag ang bagong relasyon sa Amerika na nakatuon sa kahilingan ng bagong siglo, at lumikha ng pangmatagalan at matibay na mekanismong pangkapayapaan sa Korean Peninsula.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>