Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Diyalogong diplomatiko at panseguridad ng Tsina at Hapon, idinaos

(GMT+08:00) 2019-02-02 10:38:28       CRI

Beijing — Idinaos Biyernes, Pebrero 1, 2019, nina Kong Xuanyou, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Takeo Mori, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Hapon, ang regular na pagsasangguniang diplomatiko at bagong round ng diyalogong panseguridad ng dalawang bansa.

Buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap, natamo ng relasyong Sino-Hapones ang bagong progreso. Anila, ang kasalukuyang taon ay masusing taon para sa relasyon ng dalawang bansa, at dapat samantalahin ng dalawang panig ang pagkakataon upang magkasamang makalikha ng bagong prospek ng relasyong Sino-Hapones. Sinang-ayunan din ng dalawang panig na magkasamang pagplanuhan nang mabuti ang bilateral na pagdadalawan sa mataas na antas, matatag na pasulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at maayos na hawakan ang mga mahalaga at sensitibong isyu upang mapasulong pa ang sustenable, matatag, at malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Samantala, isinalaysay ng dalawang panig ang kanilang sariling estratehiyang pangkaunlaran at patakarang panseguridad. Bukod dito, matapat at malalim silang nagpalitan din ng kuru-kuro tungkol sa mga isyung kapwa nila pinahahalagahan. Ipinagdiinan nila na may mahalagang responsibilidad ang Tsina at Hapon sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito at buong daigdig, at dapat nilang igiit ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>