Sa bisperas ng Spring Festival, pinakamahalaga at tradisyonal na kapistahang Tsino, binisita at kinumusta ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang mga mamamayan ng Beijing upang ipaabot ang kanyang pagbating pambagong-taon sa iba't-ibang nasyonalidad ng bansa.
Nitong Biyernes, Pebrero 1, pumunta si Xi sa Beijing Municipal Public Security Bureau para kumustahin ang mga pulis. Pagkatapos nito, pumunta siya sa Sitiao Lane (Hutong) at bumisita sa mga residente roon.
Bukod dito, nagpunta rin si Xi sa isang express service point sa Shitou lane o (Hutong) para kumustahin ang mga trabahanteng tagapag-deliber. Bumati rin si Pangulong Xi ng Manigong Bagong Taon sa tatlong milyong courier sa buong bansa.
Salin: Li Feng