Bilang pagsalubong sa Spring Festival o Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahan sa kulturang Tsino, inihandog ng Pasuguan ng Tsina sa Thailand ang dalawang araw na open day nitong nagdaang Sabado't Linggo.
Lumahok sa mga aktibidad si Prinsesang Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand, kasama ng iba pang mga 1,500 kinatawan at panauhin mula sa iba't ibang sektor na Thai.
Kabilang sa mga aktibidad ay pagdikit ng Chinese character na 福 (fu) na nangangahulugan ng magandang suwerte, palabas, eksibisyon, paggawa ng dumpling, at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Mac