Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

2019 CMG Spring Festival Gala, hatid ang hangaring pambagong-taon para sa sambanayang Tsino

(GMT+08:00) 2019-02-04 21:06:56       CRI

Alas 8:00 ngayong gabi, Pebrero 4, bisperas ng Chinese New Year, nagsimulang magbroadcast-live ang 2019 CMG Spring Festival Gala. Ang panonood ng gala, kasabay ng pagsasalu-salo ng buong pamilya, ay nagsisilbing isa sa mga tradisyon ng pagsalubong ng mga mamamayang Tsino sa bagong taon ng Kalendaryong Tsino, nitong mahigit tatlong dekada.

Sa mahigit apat na oras na taunang gala, mapapanood ang samu't saring palabas na inihahandog ng mga alagad ng sining mula sa iba't ibang lugar ng Tsina, na gaya ng awitin, sayaw, salamangha, akrobatiks, tradisyonal opera, wu shu o sining ng pakikipaglaban, crosstalk at iba pa.

Ang 2019 Spring Festival Gala ay ang unang gala sapul nang buuin ang China Media Group. Tampok sa gala sa taong ito ang mga bagong teknolohiya na gaya ng 4K at 5G, kasama ng virtual reality (VR), augmented reality (AR), at artificial intelligence (AI). Bukod sa mga TV channels, sabay na mapapanood din online ang gala sa iba't ibang plataporma.

Sa pamamagitan ng 4K technology na nagtatampok sa ultra high definition at surround sound, maaaring magkaroon ang mga manonood ng karanasan tulad ng sa sinihan. Samantala, ang 5G network ay makakatulong sa pagpapabilis ng transmisyon ng mga palabas. Kasabay nito, ang AR technology ay makakabuti sa paningin o visual effects, at gagamitin din ang unmanned aerial vehicles sa pagshu-shooting.

Beijing ang pangunahing venue ng gala at ang Jiangxi, Jilin at Guangdong ay tatlong sub-venue.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>