|
||||||||
|
||
Bilang pagdiriwang sa Chinese New Year, nagpahayag ng kani-kanilang pagbati at hangarin ang mga lider ng iba' t ibang bansa at organisasyong pandaigdig.
Kabilang sa mga lider ay sina Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), Presidente María Fernanda Espinosa Garcés ng Ika-73 Sesyon ng UN General Assembly, Presidente Thomas Bach ng International Olympic Committee (IOC), Pangulong Donald Trump ng Amerika, Punong Ministro Theresa May ng Britanya, Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, at maraming iba pa.
Sa kanyang bati nitong Martes, Pebrero 5, nakikiisa si Pangulong Duterte sa Komunidad na Sino-Pilipino sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Saad niya sa isang nakasulat na mensahe na ipinadala sa mga Tsinoy at mga Tsino na nakabase sa Pilipinas, ang pagkakaibigan at kooperasyon na naitatag sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay hindi lamang nagbigay-daan sa kasaganaan at pag-unlad ng ekonomiya ng dalawang bansa, kundi nagbigay rin ng natatanging kultura na pinayabong ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba.
Ani pa ni Pangulong Duterte, nawa maihatid ng bagong taon ang pag-asa, inspirasyon, at mas maraming tagumpay sa komunidad na Sino-Filipino at buong bansa. Hinimok din niyang magkasamang pagyamanin pa ang mga paniniwala at paninindigan na magsusulong sa malakas na kagustuhang pairalin ang kapayapaan at pag-uunawaan habang pinagtatagumpayan ang mga pagsubok sa hinaharap.
Salin: Jade/Mac
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |