Dumating kahapon, Sabado, ika-9 ng Pebrero 2019, sa Zhongshan Station ng Tsina sa Antarctica ang Xue Long o Snow Dragon icebreaking research vessel ng bansa.
Ayon sa plano, nananatili nang 6 na araw sa Zhongshan Station ang Xue Long vessel, para maghatid ng mga resupply sa naturang istasyon, at maglulan ng mga nakuhang sample sa kasalukuyang Antarctic expedition at mga tauhang natapos ang pagtatalaga sa Zhongshan Station. Pagkaraan nito, lalayag pabalik sa Tsina ang Xue Long vessel, at nakatakdang dumating sa Shanghai sa ika-10 ng darating na Marso.
Salin: Liu Kai