Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bakit hanga si Xi Jinping sa isang tagapamagitan sa mababang yunit ng pamahalaan na si Kasamang Ma?

(GMT+08:00) 2019-02-11 18:11:59       CRI

Noong 2018, ginantimpalaan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ang sandaang personahe na gumawa ng namumukod na ambag para sa reporma at pagbubukas ng bansa, at ang isang tagapamagitan sa mababang yunit ng pamahalaan na si Ma Shanxiang ay ginawaran ng karangalang "tagabunsod ng reporma."

"Ako po si Ma Shanxiang, namamahalang tauhan ng 'Lao Ma Workshop' sa Guanyinqiao Community ng Munisipalidad ng Chongqing. Nitong nakalipas na 30 taon, ibinuhos ko ang aking panahon at pag-iisip sa mga gawaing may kinalaman sa mga mamamayan."

Sa panahon ng mga taunang sesyon ng NPC at CPPCC noong Marso ng 2018, dumalo si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, sa pagsusuri ng delegasyon ng Chongqing.

Sa panahon ng mga taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) noong 2018, dumalo si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, sa pagsusuri ng delegasyon ng Chongqing, at pinakinggan ang karanasan at kuru-kuro ni Ma Shanxiang hinggil sa medyasyon sa nakakababang yunit ng pamahalaan.

Noong 1988, nagsimulang magtrabaho si Ma bilang isang tagapamagitan sa Guanyinqiao Street Subdistrict Office. Matapos ang 30 taon, nagpunyagi siya upang matulungan ang mga residente roon, at resolbahin ang mga kinaharap nilang problema. Matagumpay siyang namagitan sa mahigit 2,000 kontradiksyon at alitan.

Si Ma Shanxiang ay ginawaran ng karangalang "tagabunsod ng reporma."

Ngayon, ang paraan ng pagtatrabaho ni Ma ay isa nang modelo ng mga tauhan sa nakakababang yunit sa iba't ibang lugar ng bansa. Madalas siyang inaanyayahan sa magkakaibang kalye at kapitbahayan, para mapalaganap ang kanyang karanasan at sanayin ang mga tauhan. Ani Ma Shanxiang:

"Bilang isang miyembro ng CPC, kung mamahalin mo ang partido, buong tatag na igigiit ang sariling ideya at mithiin, at masigasig na maglilingkod para sa mga mamamayan, mainit kang tatanggapin saan man."

Si Ma Shanxiang (kanan) habang nakikipag-usap sa isang mamamayan.

Pagkaraang pakinggan ang pananalita ni Ma Shanxiang, sinabi ni Xi Jinping na ang sosyalismong may katangiang Tsino ay parang isang malaking gusali. Ang pamumuno ng CPC ay estruktura nito, at gulugod naman ang Komite Sentral ng CPC. Samantala, kailangang-kailangan ang matibay na pundasyon. Aniya,

"Dapat patibayin ang pundasyon sa nakakababang yunit ng pamahalaan. Kinakailangan dito ang libu-libong kawani ng gobyerno, na tulad ni Kasamang Ma. Umaasa akong patuloy na mapapabuti ni Kasamang Ma ang iba't ibang gawain, at lilikhain ang mas magandang resulta."

Ang kuwento ni Ma Shanxiang ay isang halimbawa ng paglilingkod ng mga miyembro ng CPC para sa mga mamamayan. Sa katunayan, libu-libong tauhan sa nakakababang yunit ng pamahalaan ang nagtatrabaho, ayon sa kahilingan ni Pangkalahatang Kalihim Xi.

"Ang Partido Komunista ay isang partidong naglilingkod sa mga mamamayan. Mahalagang-mahalaga ang lahat ng mga suliraning may kinalaman sa mga mamamayan. Dapat pabutihin ang lahat ng maliliit at malalaking gawaing may kinalaman sa mga mamamayan. Dapat ding repormahin ang pangangasiwa at pagsasaayos sa nakakababang yunit, at pataasin ang kakayahan sa pangangasiwa, upang mas magandang paglingkuran ang mga mamamayan."

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>