Ipinahayag Pebrero 10, 2019 ni Kim Eui-kyeom, Tagapagsalita ng palasyong pampanguhuhan ng Timog Korea, na muling magdidiyalogo ang mga kinatawan ng Hilagang Korea at Amerika, bilang preparasyon para sa ikalawang pag-uusap ng mga katas-taasang lider ng dalawang bansa.
Sinabi pa niyang nakatakdang mag-usap sa telepono sina Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea at Pangulong Donald Trump ng Amerika hinggil dito.
Matatandang ipinatalastas Pebrero 8 ni Pangulong Trump na nakatakdang idaos ang nasabing pag-uusap sa Hanoi ng Biyetnam, sa ika-27 hanggang ika-28 ng buwang ito.