Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Guizhou, isinasakatuparan ang mabuting pamumuhay ng mga mamamayan at mainam na ekolohiya

(GMT+08:00) 2019-02-18 21:15:16       CRI
Ang lalawigang Guizhou ay matatagpuan sa timog kanlurang bahagi ng Tsina. Mahigit 92% ng buong saklaw ng lalawigang ito ay mga bundok. Dahil dito, mahina ang kapaligirang ekolohikal sa Guizhou, atrasado ang lokal na kabuhayan, at medyo mahirap ang maraming mamamayan.

Iniharap minsan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahilingan sa Guizhou, na tumpak na hawakan ang relasyon ng pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal at pagpapaunlad ng kabuhayan, buong lakas na pasulungin ang mga gawain ng pagbabawas ng karalitaan, at ihatid ang aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan sa mga mahirap na lugar.

Batay sa naturang mga kahilingan, isinasagawa ng lalawigang ito ang mga komprehensibong hakbangin sa aspekto ng ekolohiya at pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, para maging mas mabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan at mainam ang kapaligirang ekolohikal.

Nitong ilang taong nakalipas, isinasagawa ng Guizhou ang malawakang pagtatanim ng puno, at sa gayon, lumalaki taun-taon ng 1.5% hanggang 2% ang forest coverage rate sa lalawigang ito. Binabawasan din ng lalawigan ang polusyon sa katubigan, at buong higpit na pinipigil ang pang-aabuso sa paggamit ng yamang-tubig. Samantala, itinatag ng Guizhou ang espesyal na hukuman sa mga kasong may kinalaman sa kapaligirang ekolohikal, at pinahigpit din ang accountability system sa mga lokal na opisyal sa aspekto ng ekolohiya.

Para paunlarin ang kabuhayan sa ilalim ng paunang kondisyon ng hindi pagsira sa kapaligirang ekolohikal, binigyang-priyoridad ng Guizhou ang mga sektor ng green economy, na gaya ng turismo, information technology, at iba pa. Sa kasalukuyan, umabot sa 40% ang proporsiyon ng green economy sa buong lalawigan. Sa pamamagitan ng pagpopromote ng countryside travel, kinita ng isang nayon ng Guizhou ang mahigit 17 milyong yuan RMB o mahigit 2.5 milyong Dolyares sa pamamagitan ng turismo, sa katatapos na 7-araw na bakasyon ng Spring Festival.

Sa aspekto naman ng pagbabawas ng karalitaan, isinasagawa ng Guizhou ang hakbangin ng paglilipat ng mga mahirap na residente mula sa mga lugar na napakagrabe ng likas na kondisyon. Pagkaraang lumipat ang naturang mga residente sa ibang lugar, magkakaloob din ang pamahalaan ng pagkakataon ng trabaho sa kanila, bilang tulong sa sustenableng pag-unlad ng kanilang pamumuhay.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>