Ipininid Pebrero 17, 2019, ang 3-araw na Ika-55 Munich Security Conference (MSC) sa Munich, Alemanya. Sa panahon ng pulong, nanawagan ang Tsina, Alemanya at Rusya na pangalagaan ang mutilateralismo, at pagsulungin ang pandaigdigang kooperasyon. Ito ay pinapurihan at kinatigan ng iba pang panig na kalahok sa naturang komperensya.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, ipinahayag ni Wolfgang Ischinger, Tagapangulo ng MSC na sa kasalukuyan, umiiral ang mga hamon sa kaayusang pandaigdig na ang nukleo ay United Nations (UN). Dahil dito, may komong responsibilidad ang komunidad ng daigdig para sa pagpapabuti ng sistema ng mga tuntuning pandaigdig at pagkakaloob ng seguridad ng sangkatauhan, aniya pa.
salin:Lele