Ipinahayag Pebrero 19, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na masaya ang kanyang bansa sa isinagawang mapagkaibigang pakikipagtulungan ng Pakistan sa mga bansa sa daigdig na kinabibilangan ng Saudi Arabia.
Bumisita kamakailan ang Crown Prince ng Saudi Arabia sa Pakistan. Nilagdaan ng dalawang panig ang mga kasunduan hinggil sa kooperasyong pampamumuhunan na nagkakahalaga ng 20 bilyong dolyares. Samantala, nakatakdang itatag ng Saudi Arabia ang oil refinery at petrochemical complex sa Gwadar.