Great Hall of the People, Beijing—Tinanggap Miyerkules, Pebrero 20, 2019 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kredensyal ng mga bagong embahador sa Tsina mula sa 9 na bansang kinabibilangan ng Republika ng El Salvador, India, Turkmenistan, Croatia, Republika ng Kyrgyzstan, Ethiopia, Grenada, Kenya, at Mauritania.
Saad ni Xi, ipagkakaloob ng pamahalaang Tsino ang ginhawa at suporta para sa pagsasabalikat ng tungkulin ng mga embahador. Umaasa aniya siyang gagawa ng positibong ambag ang nasabing mga embahador para sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng Tsina at kani-kanilang mga bansa.
Nang araw ring iyon, nakipagtagpo rin si Xi kay Vladmir Norov, bagong Pangkalahatang Kalihim ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Umaasa si Xi na magkakaroon ng positibong ambag para sa pagpapasulong ng pag-unlad ng SCO.
Salin: Vera