Idinaos Pebrero 21, 2019, ng mga Pamahalaan ng Lalawigang Guangdong, Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) at Macao Special Administrative Region (MacaoSAR) ang pulong ng paglalahad ng Outline Development Plan for Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area sa Hong Kong. Pinaliwanag ang kaalaman at ideya ng outline sa nasabing pulong.
Ipinahayag ni Lam Cheng Yuet-ngor, Punong Ehekutibo ng HKSAR na sa ilalim ng prinsipyong "Isang Bansa, Dalawang Sistema," ang Hong Kong ay may katangian at ibayong bentahe, at puwede pag-isahin ng Hong Kong ang sariling bentahe at malawak na pamilihan, sistema ng mga industrya, at kakayahan ng siyensiya't teknolohiya ng iba pang mga lugar ng greater bay area.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Lin Nianxiu, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Grupo ng Pamumuno ng Konstruksyon ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area na ang pagtatatag ng greater bay area ay makakabuti sa pagbubukas sa labas sa mas mataas na antas, pag-unlad na may mataas na kalidad, at paglutas ng mga isyu ng pag-unlad na kinakaharap ng tatlong lugar.
Salin:Lele