Ipinahayag kamakailan ni Eddin Syazlee Shith, Pangalawang Ministro ng Komunikasyon at Multimedia ng Malaysia na ang pagpapahigpit ng kooperasyon ay nagbibigay ng mahalagang papel para sa pangangalaga ng malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Dumalo si Shith sa seremonya ng pagbubukas ng Taon ng Pagpapalitan ng mga Media ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng 2019 na ginanap sa Beijing. Sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag niyang ang mga aktibidad ng Taon ng Pagpapalitan ng mga Media ng Tsina at ASEAN ay nagkakaloob ng mainam na pagkakataon para sa pagpapahigpit ng kooperasyon ng dalawang panig.
Salin:Lele