Inulit ng Tsina ang mainit na pagtanggap at pagbubukas sa lahat ng mga bansa para magkakasamang mapasulong ang Belt and Road Initiative (BRI).
Winika ito ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Miyerkules, Pebrero 27 sa Beijing, bilang tugon sa pananalita ni Stephen Jacobi, Direktor na Tagapagpaganap ng New Zealand China Council. Ani Jacobi, nakakatulong ang BRI sa pag-unlad ng kabuhayan ng kanyang bansa at pagpapalalim ng relasyon ng Tsina at New Zealand.
Noong 2013, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang BRI para sa komong kasaganaan. Tampok nito ang mga prinsipyo ng magkakasamang pagsasanggunian, magkakasamang pagpapasulong at pagkakaroon ng mga win-win result.
Salin: Jade
Pulido: Rhio