Kasabay ng pagdiriwang sa taong ito ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China, malaking pansin ang itinuon kamakailan ng mga dayuhang dalubhasa sa mga taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Umaasa silang ang mga sesyon ay magdudulot ng mas maraming positibong signal at magbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa pag-unlad at kasaganaan ng daigdig.
Ayon kay Ernesto Hilario, Kolumnista ng Business Mirror, ang pag-unlad ng Tsina nitong 40 taong nakalipas, ay resulta ng matatag na determinasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para mapasulong ang paglaki ng kabuhayan, mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, at mapasigla ang sistema ng sosyalistang may katangiang Tsino. Ito rin aniya ay saligang garantiya ng kasalukuyang pag-unlad ng bansa.
Salin:Lele