Ipinahayag Marso 6, 2019, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na itinigil ng China General Administration of Customs ang pag-aangkat ng canola mula sa isang bahay-kalakal ng Kanada alinsunod sa may kinalamang batas at tuntuning pandaigdig, dahil kailangang maigarantiya ng pamahalaang Tsino ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan.
Ani Lu, ilang beses na natuklasan ang hazardous organism sa ilang canola mula sa Kanada.