Mahigpit na pinapansin ng mga mangangalakal ng Singapore ang kasalukuyang ginaganap na mga sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) .
Tungkol sa Government Work Report ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina, sinabi ni Teo Siong Seng, Tagapangulo ng Singapore Business Federation na hindi tumpak ang pagsalitang "pagbaba ng bilis ng paglaki ng Tsina" ng ilang media. Aniya, ang pagsasaayos ng Tsina ng pagtaya ng paglaki ng kabuhayan ay nagpapakitang isinaalang-alang ng pamahalaan ang mga elementong walang kaseguruhan at may kakayahan ang pamahalaang Tsino ng pagpigil ng mga panganib.
"Sa tingin ko, ang pagtaya ng 6% hanggang 6.5% na paglaki ay isang numerong nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin, kung pag-iisipan ang kabuuang bolyum ng kabuhayan ng Tsina." dagdag pa niya.