Sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina na ginaganap sa Beijing, ginawa ngayong araw, Biyernes, ika-8 ng Marso 2019, ni Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC, ang work report, kung saan inilahad ang mga gawaing lehislatibo noong isang taon, at inilabas ang plano ng lehislasyon sa taong ito.
Ayon kay Li, noong isang taon, ginawa ng Pirmihang Lupon ng NPC ang lehislasyon, pangunahin na, sa ilang larangang gaya ng kabuhayan, paggarantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapasulong ng sibilisasyong ekolohikal, at iba pa.
Sinabi rin niyang, sa taong ito, ang priyoridad ng kanyang organo ay pagbuo at pagsususog sa mga batas na kailangang-kailangan para sa pagpapalalim ng reporma ng pagsasapamilihan at pagpapalawak ng pagbubukas sa mataas na antas.
Salin: Liu Kai