Sa preskon ngayong araw na ng idinaoraos na Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ipinahayag ni Wang Yi , Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina at Ministrong Panlabas ng Tsina na ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika ay isang mahalagang taon ng paglalagom ng nakaraan at pagpaplano ng kinabukasan para sa kapuwang dalawang bansa. Sa hinaharap, malinaw ang landas ng dalawang panig, at ito'y magkakasamang pagpapasulong ng matatag at pangkooperasyong relasyong Sino-Amerikano. Ito ani wang ang mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng Tsina at Amerika.
Ipinahayag din ni Wang Yi na nitong 40 taong nakalipas, natamo ng relasyong Sino-Amerikano ang progresong pangkasaysayan, kasabay nito, kinakaharap rin nito ang bagong hamon. Ang kooperasyon ay angkop sa komong kapakanan ng kapuwang Tsina at Amerika, at ito rin ay responsibilidad ng dalawang bansa sa buong daigdig.