Sa preskon ngayong araw na ng idinaoraos na Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ipinahayag ni Wang Yi , Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina at Ministrong Panlabas ng Tsina na sa mua't mula pa'y, ang Tsina at Aprika ay magandang magkaibigan. Sa kasalukuyan, ang relasyon ng Tsina at Aprika ay nasa pinakamabuting panahon ng kasaysayan. Lubos na naniniwala sa isa't isa ang Tsina at Aprika, at natamo ang maraming bunga ng kooperasyon ng dalawang panig. Sa hinaharap, komprehensibong isasakatuparan ang "8 Aksyon" sa Aprika na narating sa Beijing Summit ng China-Africa Cooperation Forum (CACF), walang humpay na palalalimin ang kooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road Initiative", at itatatag ang mas mahigpit na komunidad ng Tsina at Aprika.