Sa preskon ngayong araw ng idinaraos na Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina at Ministrong Panlabas ng Tsina na, nitong ilang 6 na taong nakalipas sapul nang iharap ang Belt and Road Initiative (BRI), ito ay naging platapormang pangkooperasyon na may pinakamalaking saklaw sa buong daigdig. Sa kasalukuyan, nilagdaan ng Tsina at 123 bansa at 29 na organisasyong pandaigdig ang dokumentong pangkooperasyon ng magkakasamang pagkakatatag ng BRI. Ang BRI ay nagaalok ng pagkakataon ng magkakasamang pag-unlad ng iba't ibang bansa.
Ipinahayag ni Wang Yi na winewelkam ng Tsina ang aktibong pagsali ng iba't ibang panig sa BRI, at kasabay nito, iginigiit ng Tsina ang Golden Principles of BRI: Consultation, Contribution and Shared Benefits.