Idinaos Linggo ng umaga, Marso 10, 2019 ang sesyong plenaryo ng mga delegasyon ng Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, para suriin ang Panukalang Batas sa Pamumuhunang Dayuhan ng Tsina. Patuloy na susuriin ito sa mga panel discussion mamamayang hapon.
Bukod dito, idinaos kaninang umaga ang mga panel meeting ng Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), para pag-aralan ang patnubay ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa pagpapalakas at pagpapabuti ng mga gawain ng CPPCC. Idaraos mamamayang hapon ang ika-3 sesyong plenaryo ng CPPCC.
Salin: Vera