|
||||||||
|
||
Sa panahon ng mga taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), nagiging pokus ang mga paksa ng ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas, at pagpapasulong sa kooperasyong pandaigdig sa iba't ibang larangan, sa pamamagitan ng magkakaibang hakbangin. Nitong nakalipas na ilang araw, isinalaysay ng mga ministro ng pamahalaang Tsino ang mga konkretong hakbangin sa pagbubukas at kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Si Wang Zhigang, Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina
Ayon kay Wang Zhigang, Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina, hinihimok at kinakatigan ng bansa ang magkasamang pagtatatag ng mga organo ng pananaliksik ng mga kaukulang bansa sa Belt and Road ng magkasanib na laboratoryo. Sinimulan o tinatalakay aniya ng Tsina, kasama ng 8 bansang kinabibilangan ng Pilipinas at Indonesya, ang pagtatatag ng parkeng pansiyensiya't panteknolohiya, itinatag nila ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Timog Asya, mga bansang Arabe, Gitnang Asya at Gitnang Silangang Europa ang 5 rehiyonal na platapora ng paglilipat ng teknolohiya, at iniorganisa ang biyahe ng mga kabataang siyentipiko ng Timog Asya at ASEAN sa Tsina.
Si Qian Keming, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina
Sinabi naman ni Qian Keming, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na palagiang tinututulan ng Tsina ang anumang porma ng proteksyonismo, at ayaw nitong makita ang pagmamalabis sa mga hakbanging panseguridad, at paglatag ng hadlang sa normal na pamumuhunan. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng mga kaukulang bansa, na magkasamang likhain ang hayagan, malinawag, at maginhawang kapaligirang pangnegosyo sa mga mamumuhunan, at pasulungin ang pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |