|
||||||||
|
||
Sinabi ni Gong Mingzhu, deputado ng NPC at Puno ng Komisyon ng Pag-unlad ng Reporma ng Inner Mongolia, na tulad ng sinabi ni Pangulong Xi, walang "shortcut" sa pagpigil sa polusyon at restorasyon ng ekolohiya, at dapat gawin ang walang humpay na pagsisikap para matamo ang tagumpay sa pagpapasulong ng sibilisasyong ekolohikal.
Positibo naman si Hou Huamei, deputado ng NPC mula sa lalawigang Hebei, sa kahilingan ni Pangulong Xi, na pag-ibayuhin ang pagsisikap sa masusing panahon ng pagbabawas ng kahirapan. Ani Hou, ang pag-iwas sa pagbalik sa karalitaan ng mga mamamayang nai-ahon sa kahirapan ay mahalagang gawain sa misyon ng pagpawi ng kahirapan. Dapat aniyang igiit ang mahalagang responsibilidad, malakas na patakaran, at mahigpit na superbisyon sa aspektong ito.
Ipinahayag naman ni Li Yanhong, kagawad ng CPPCC at Chairman at CEO ng Baidu, Inc., kilalang-kilalang internet technology company ng Tsina, na, lubos siyang pinasisiglahan ng sinabi ni Pangulong Xi hinggil sa ibayo pang pagpapabuti ng kapaligirang pang-negosyo. Aniya, ito ay magbibigay ng bagong lakas sa pag-unlad ng mga pribadong kompanya ng bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |