|
||||||||
|
||
Sa regular na preskong idinaos kahapon sa Beijing, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministrong Panlabas ng Tsina, na lalahok ang Tsina sa Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Pagsusuri ng Pag-uulat ng Tsina para sa Ikatlong Universal Periodic Review (UPR) na gaganapin Marso 15,2019 sa Geneva, Switzerland.
Isinalaysay ni Lu Kang na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang gawain ng pagsusuri kaya ipapadala ng Tsina ang delegasyon sa mataas na antas, na binubuo ng mga kinatawan ng kinauukulang ministri at komisyon ng sentral na pamahalaan, at mga kinatawan mula sa Rehiyong Autonomo ng Xinjiang at Tibet, at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HK at Macao. Ang delegasyong ito ay pinamumunuan ni Pangalawang Ministrong Panlabas Le Yucheng ng Tsina.
Sa pulong, ilalahad ng Tsina ang reaksyon sa mga mungkahi na iniharap ng iba't ibang bansa noong nakaraang taon, at isasagawa ang konstruktibong pagpapalitan sa iba't ibang panig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |