Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pakistan: hihimukin ang sirkulong komersyal na aktibong lumahok sa CPEC

(GMT+08:00) 2019-03-14 15:54:59       CRI

Ipinahayag kahapon sa Islamabad, kabisera ng Pakistan, ni Makhdoom Khusro Bakhtiar, Minister for Planning and Development ng Pakistan, na itatatag ng pamahalaan ang isang Komersyal na Porum ng China–Pakistan Economic Corridor (CPEC), na naglalayong himukin ang sirkulong komersyal ng Pakistan na aktibong lumahok sa pagtatatag ng CPEC.

Ayon sa koordinasyon ng Tsina at Pakistan, ang CPEC ay magkakaloob ng preferential policies sa mga larangan ng lipunan at may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan ng Pakistan na kinabibilangan ng agrikultura, edukasyon, medisina, pagpapawi ng kahirapan, at iba pa.

Ayon sa pananaliksik ng isang lokal na Think Tank ng Pakistan, ang napakalaking benepisyong pangkabuhayan at napakaraming pagkakataon ng pag-unlad na hatid ng CPEC ay tiyak na magdudulot ng malaki at malawak na epekto sa buong Pakistan.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>