|
||||||||
|
||
Ang Panukalang Batas sa Dayuhang Pamumuhunan ng Tsina ay pinagtibay sa 11 araw na taunang sesyong lehislatibo ng Tsina na katatapos ngayong umaga.
Nakasaad sa batas na binubo ng 42 artikulo sa loob ng 6 na kabanata ang hinggil sa pagpapasok, pagpapasulong, pangangalaga at pamamahala sa dayuhang pamumuhunan sa Tsina.
Ayon sa mga tagapag-analisa, ang pagpasa sa nasabing batas ay nagpapakita ng resolusyon ng pamahalaang Tsino para sa ibayong pagbubukas sa labas.
Layon ng batas na protektahan ang mga interes at karapatan ng mga mamumuhunang dayuhan, at matiyak ang pamamalakad ng mga bahay-kalakal na Tsino at banyaga ay batay sa mga pantay at parehong alituntunin.
CBD sa Beijing, Enero 23, 2019. [Photo: VCG]
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |