Ipinahayag ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa taong 2019, sasagutin ng pamahalaang Tsino ang 50% ng gastos ng mga pasyente sa pagbili ng mga gamot na pang-high blood pressure at diabetes. Makikinabang dito ang lahat ng aabot sa 400 milyong pasyente ng nasabing mga sakit. Kasabay nito, patataasin din ng pamahalaan ang reimbursement rate ng mga pangunahing sakit sa segurong medikal para sa sambayanang Tsino.
Winika ito ni Li sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag na Tsino't dayunan, pagkaraan ng pagpipinid ng 10 araw na pambansang taunang sesyong lehislatibo.
Noong 2018, upang mapagaan ang pasanin ng mga may-sakit, lalo na ng mahihirap na may-sakit, pinababa ng pamahalaang Tsino nang mahigit 50% ang presyo ng 17 gamot laban sa kanser at itinala rin ang mga ito sa segurong medikal.
Salin: Jade
Pulido: Mac