|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pananangan at walang humpay na pagsuporta sa denuklearisasyon sa Korean Peninsula. Aniya, ang maayos na paglutas sa nasabing isyu ay hindi lamang makakabuti sa Hilaga at Timog Korea, kundi makakabuti rin sa rehiyon at buong daigdig.
Inulit ni Premyer Li ang naturang paninindigan sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag na Tsino't dayunan, pagkaraan ng pagpipinid ng 10 araw na pambansang taunang sesyong lehislatibo.
Dagdag pa ni Li, pagkaraan ng Hanoi Summit, kapuwa ipinahayag ng Amerika at Hilagang Korea (DPRK) ang kahandaan na ituloy ang pag-uugnayan. Umaasa aniya ang Tsina na masasamantala ng iba't ibang panig ang kasalukuyang mainam na pagkakataon para patuloy na pasulungin ang diyalogo, lalo na ang diyalogo sa pagitan ng Amerika at Hilagang Korea para matamo ang resulta na hinahangad ng lahat.
Salin: Jade
Pulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |