Qingjiang Village ng Danzhai County, Lalawigang Guizhou ng Tsina, Marso 16, 2019—Kasabay ng ritmo ng paghataw ng kahoy sa tambol, nagbihis ng tradisyonal na kasuotan at nagsayaw ang mga kababaihan ng Lahing Miao, bilang pagdiriwang sa Fangu Drumming Festival.
Ang Fangu Drumming Festival ay isang tradisyonal na kapistahan ng mga Lahing Miao sa lokalidad bilang pagsalubong sa pagtatanim sa tagsibol. Idinaraos ito tuwing Pebrero sa lunar calendar ng Tsina, at halos 600 taon na ang kasaysayan nito.
Salin: Vera