Dumating ng Roma, Italya, nitong Huwebes ng gabi, Marso 21, local time si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pasimulan ang dalaw na pang-estado sa nasabing bansang Europeo.
Sa kanyang pananatili, makikipag-usap si Xi sa mga lider na Italyano kaugnay ng bilateral na relasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Tatayong-saksi rin sila sa paglalagda ng serye ng dokumento at kasunduang pangkooperasyon sa pagitan ng dalawang pamahalaan at mga sektor na komersyal. Palalakasin din ng magkabilang panig ang pagtutulungan, sa pamamagitan ng magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac