Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Biyahe ng pangulong Tsino sa Europa, nagsimula sa Roma

(GMT+08:00) 2019-03-22 10:17:33       CRI

Pagkaraan ng 11 oras na paglipad, dumating nitong Huwebes ng gabi, Marso 21, local time, ng Roma, Italya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng kanyang asawa na si Peng Liyuan, para pasimulan ang kanilang opisyal dalaw na pang-estado sa nasabing bansang Europeo.

Sa kanyang pananatili, makikipag-usap si Xi sa mga lider na Italyano kaugnay ng bilateral na relasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Tatayong-saksi rin sila sa paglalagda ng serye ng dokumento at kasunduang pangkooperasyon sa pagitan ng dalawang pamahalaan at mga sektor na komersyal. Palalakasin din ng magkabilang panig ang pagtutulungan, sa pamamagitan ng magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Nang pumasok sa teritoryong panghimpapawid ng Italya, dalawang eroplanong pandigma ng hukbong panghimpapawid ang lumipad at kumomboy sa espesyal na eroplano ni Xi.

Ngayong taon ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina't Italya. Ang Italya ay unang hinto ng tatlong bansang biyahe sa Europa. Ayon sa mga tagapag-analisa, ang pagpili ni Xi sa Europa bilang unang pagdalaw sa ibayong dagat sa taong 2019 ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng Tsina sa relasyong Sino-Europeo.

Pagkatapos ng Italya, dadalaw ang pangulong Tsino sa Monaco at Pransya.

Imahe ni Xi na ginawa ni Dario Gambarin, alagad ng sining ng Italya, sa isang bukirin

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>