Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kauna-unahang dalaw ng puno ng estado ng Tsina sa Monaco, ibayo pang magpapasulong ng bilateral na relasyon

(GMT+08:00) 2019-03-25 08:55:00       CRI

Makaraang dumating nitong Linggo, Marso 24, local time, sa Monaco si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, nag-usap sila ni Prinsipe Albert II, puno ng estado ng nasabing bansang Europeo.

 

Ang Monaco ay ikalawang hinto ng tatlong bansang biyahe ni Xi sa Europa. Ito rin ang kauna-unahang dalaw ng isang puno ng estado ng Tsina sa Monaco.

Sa pag-uusap, sinabi ni Xi na sa kabila ng pagkakaiba sa laki ng bansa, kasaysayan at kultura, at sistemang panlipunan, magkatulad ang katangian at pangarap ng mga mamamayan ng Tsina at Monaco. Nagsisilbi aniya itong pundasyon para sa pag-uunawaan at pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Dagdag pa ni Xi, walang humpay na humihigpit ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Monaco. Mula Enero hanggang Agosto noong 2018, umabot sa 125 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang bansa, at mas malaki ito ng 876.8% kumpara sa gayon ding panahon ng 2017. Kabilang dito, ang pagtutulungan ng Tsina't Monaco sa digital economy at mobile telecommunication ay nangunguna sa kooperasyong Sino-Europeo.

Ipinahayag naman ni Prinsipe Albert II ang kahandaan ng Monaco na palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng siyensiya't teknolohiya, inobasyon, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, proteksyon ng mailap na hayop, at renewable energy.

Dahil sa pagdalaw ni Xi, nakikita sa iba't ibang sulok ng Monaco ang mga elementong Tsino na gaya ng pambansang watawat ng Tsina.

Ang mga estudyante ng Collège Charles III habang nag-aaral ng wikang Tsino

Ang ulat hinggil sa pagdalaw ni Xi sa Monaco ng magasing Monte Carlo IN sa wikang Tsino at Italyano

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>