Sa pagtatagpo nitong Lunes, Marso 25, 2019, nina Song Tao, Ministro ng Departamentong Pandaigdig ng Tsina, at Lee Hsien Loong, Pangkalahatang Kalihim ng People's Action Party at Punong Ministro ng Singapore, ipinahayag ng una ang kahandaan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na isakatuparan kasama ng People's Action Party ang mga narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang partido at bansa at palalimin ang pag-uugnayan ng estratehikong pangkaunlaran sa ilalim ng "Belt and Road" para mapasulong ang bilateral na relasyon at pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa bagong yugto.
Sinabi naman ni Lee na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina. Nakahanda aniya ang Singapore na palalimin ang pakikipag-ugnayan sa Tsina at palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa balangkas ng "Belt and Road."
Salin: Li Feng