|
||||||||
|
||
Sina Ace Perez, Sun Star Social Media Editor (kaliwa) , Stella Estremera, Sun Star Davao Senior Columnist (kaman) at Mac Ramos, Reporter ng CMG (gitna)
"Mas mabuti kumpara noon (ang relasyon ng Pilipinas at Tsina) at umaasa ako na mas gaganda pa dahil nakatuon ang pansin ng kasalukuyang administrasyon sa mga kapitbansa sa Asya. Mas kumportable ako. Tayo'y mga Asyano, mas madaling makipag-ugnayan," pahayag sa wikang Ingles ni Stella Estremera, Sun Star Davao Senior Columnist nang kapanayamin siya ng China Media Group (CMG) Filipino Service matapos dumalaw sa himpilan sa Beijing ngayong araw Marso 27, 2019.
Kinatawan ng Pilipinas si Estremera at si Ace Perez, Sun Star Social Media Editor sa media seminar para sa mga Asyanong mamamahayag na nagsimula nitong Marso 24, 2019 sa Beijing at magdadala rin sa kanila sa Chongqing, Tsina simula ngayon araw.
Si Ace Perez, Sun Star Social Media Editor
Saad ni Ace Perez, bumubuti ang relasyong Pilipino-Sino dahil sa madalas na pakikipag-usap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang counterpart na Tsino. Marami aniyang matututunan ang mga Pilipino sa mga mamamayang Tsino at sa pamahalaan ng Tsina.
Sa pananaw ni Perez ang Belt and Road Initiative (BRI) na isinusulong ng Tsina ay nagkokomplemento sa Build Build Build program ng Pilipinas. At sa kaniyang pagdalaw sa Beijing natalakay ang debt trap, paratang na dala raw ng BRI investments. Hinggil dito sinabi ni Perez, "(Regrading) the issue about the debt trap, hindi daw dapat matakot because yung country na humihiram ng mga loans sa China may mutual na consultation. Kailangan natin itong infrastructure programs to further advance development in our country."
Si Stella Estremera, Sun Star Davao Senior Columnist
Kwento ni Estremera, ang konstruksyon na nagaganap sa Mindanao ay malawakan. Di lamang highways, kundi mga farm to market roads at maging mga kongkretong lansangan tungo sa mga destinasyong panturista sa Davao. Aniya, "It really brings a big difference when you link those areas, make transport easy. It follows, there's development that's coming, people can trade easily, travel easily. Money is rolling."
Kapansin-pansin din ang pagdami ng mga turistang Tsino sa Davao. Ngayon, mayroong mga accredited tour guides mula sa Kagawaran ng Turismo. Mga tubong Davao na college graduates ang lumalahok dito at sila mismo ang naglilibot sa mga lokal at dayuhang turista na ngayon ay dumadagsa sa Davao. Ani Estremera, walang ganito noong araw dahil mga galing sa labas ang namamahala sa tours.
Sa pagpapatuloy ng kanilang pagdalaw sa Tsina, interesado pang alamin ng mga mamamahayag mula sa Sun Star Davao ang hinggil sa teknolohiya na ginagamit sa unmanned convenience stores, bike sharing, cashless mobile transactions, at kung paano mas nagiging asul sa kasalukuyan ang kalangitan sa Beijing.
Group photo ng mga dayuhang mamamahayag na dumalaw sa CMG
Ulat: Mac Ramos
Larawan: Lele Wang
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |