|
||||||||
|
||
Bago ang seremonya ng pagpipinid, nag-usap sina Xi; Emmanuel Macron, Pangulo ng Pransya; Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya; at Jean Juncker, Tagapangulo ng European Commission. Tinalakay nila ang hinggil sa mutilateralismo, estratehikong partnership ng Tsina at Europa, at narating ang ibayo pang komong palagay.
Sa kanya namang talumapti noong ika-26 ng buwang ito, tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, nasa yugto ng pagbabago ang daigdig at kinakaharap ng sangkatauhan ang mga komong hamon. Sinipi ni Xi ang matandang kasabihan ng Pransya na "Ang kapalaran ng tao ay nasa sariling kamay," at hinimok niyang aktibong hawakan ng iba't ibang panig ang hinaharap ng sangkatauhan.
Iminungkahi ni Xi na dapat igiit ng iba't ibang panig ang makatarungan at makatwirang prinsipyo para hawakan ang deficit ng pangangasiwa; igiit ang talakayan at kompromiso para hawakan ang deficit ng pagtitiwalaan; igiit ang magkakasamang pagsisikap at pagtutulungan para hawakan ang deficit ng kapayapaan; at igiit ang pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon para hawakan ang deficit ng kaunlaran.
Sinabi ni Xi na sa harap ng iba't ibang maiinit na isyu ng buong daigdig, dapat patuloy na itaas ang multilateral na bandila ng United Nations (UN), at lubos na patingkarin ang konstruktibong papel ng multilateral na mekanismong pandaigdig at panrehiyon, para magkasamang pasulungin ang Community with a Shared Future of All Mankind.
Salin:Lele
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |