Sa okasyon ng seremonya ng pagpipinid ng Seminar hinggil sa Pandaigdig na Pangangasiwa ng Tsina't Pransya, nagtagpo sina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya.
Tinukoy ni Xi na kasunod ng pagdami ng elemento ng kawalang-katatagan sa pandaigdigang kalagayan, nananatili pa ring matatag ang pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Alemanya. Lumampas na aniya sa bilateral na saklaw ang pagpapahigpit ng kooperasyon ng Tsina't Alemanya at Europa, at ito'y nagkakaroon ng mas malalim at malayong katuturan.
Ipinahayag naman ni Merkel na nagkakaroon ng malawak na komong interes, ang dalawang bansa, at naninindigan ang Alemanya para sa magkasamang pagsisikap upang mapangalagaan ang mutilateralismo.