Mula darating na Mayo 6 hanggang Mayo 8 ng taong ito, idaraos sa Fuzhou, punong lunsod ng lalawigang Fujian sa timog silangang Tsina, ang Ika-2 Digital China Summit.
Ito ang ipinatalastas ngayong araw, Martes, ika-4 ng Abril, 2019, sa Beijing, ni Zhang Zhinan, Pirmihang Pangalawang Gobernador ng Fujian. Sinabi rin niyang, sa kasalukuyan, kumpirmadong lalahok sa summit ang mahigit 40 namumukod na siyentistang Tsino sa larangan ng digital technology, at mga kinatawan mula sa mga namumunong bahay-kalakal sa larangan ng digital economy.
Sa unang Digital China Summit na idinaos noong isang taon, narating ang halos 400 malaking proyekto sa aspekto ng digital economy, na nagkakahalaga ng halos 300 bilyong yuan RMB.
Salin: Liu Kai