Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Green super rice na idinebelop ng Tsina, nagdudulot ng benepisyo sa mga magsasaka sa Asya at Aprika

(GMT+08:00) 2019-04-04 16:05:13       CRI
Idinaos kamakailan sa Beijing ang pulong bilang paglagom sa pandaigdig na proyekto ng pagdedebelop ng green super rice para sa mga bansa ng Asya at Aprika.

Ang proyektong ito ay ini-sponsor ng pamahalaang Tsino, Bill & Melinda Gates Foundation, at isinagawa ng Chinese Academy of Agriculture Sciences (CAAS).

Sa pulong, isinalaysay ni Li Zhikang, punong siyentista ng proyekto at mananaliksik ng CAAS, na nitong 11 taong nakalipas sapul nang isagawa ang naturang proyekto noong 2008, idinebelop ng mga siyentistang Tsino ang 78 uri ng green super rice. Itinanim aniya ang mga ito sa mahigit 6 na milyong hektaryang bukirin sa 18 bansa sa Asya at Aprika, at nakinabang dito ang mahigit 1.6 milyong pamilya ng magsasaka.

Sinabi naman ni Jauhar Ali, Propesor ng International Rice Research Institute (IRRI) na nakabase sa Los Baños, Laguna, na ang green super rice ay mainit na tinatanggap ng mga magsasakang Pilipino. Aniya, hanggang sa kasalukuyan, itinatanim ang green super rice sa halos 1 milyong hektaryang bukirin sa Pilipinas, at ang bawat hektarya ay magdudulot ng halos 200 Dolyares na karagdagang kita para sa mga magsasaka.

Ang green super rice ay tumutukoy sa mga uri ng palay na nangangailangan ng kaunting pesticide, chemical fertilizer, at tubig. Maganda rin ang paglaban nito sa tagtuyot, at malaki ang ani.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>