Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Tsina at Amerika, dapat isabalikat ang responsibilidad ng malaking bansa

(GMT+08:00) 2019-04-04 12:20:48       CRI
Sa kanyang pagkikipagtagpo sa delegasyon ng Elders, organisasyong binubuo ng mga dating pandaigdigang pinuno, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang relasyon ng mga malaking bansa ay may kaugnayan sa katatagan ng buong mondo, at may napakalaking responsibilidad ang mga malaking bansa sa usaping ito. Ang relasyon ng Tsina at Amerika ay isa sa mga pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig, aniya pa. Umaasa aniya siyang makokontrol ng Tsina at Amerika ang mga hidwaan, mapapalawak ang kooperasyon, magkasamang mapapaunlad ang relasyong Sino-Amerikano batay sa koordinasyon, kooperasyon at katatagan, at bibigyan ng mas maraming katatagan sa daigdig.

Ito ay pinakahuling pahayag ni Pangulong Xi Jinping tungkol sa relasyong Sino-Amerikano sa harap ng kasalukuyang nagbabagong kalagayan ng daigdig. Ani Xi, ang "responsibilidad" ay isang masusing salita. Dahil ang Tsina at Amerika ay kapuwa pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC) at ang kabuuang halaga ng kabuhayan ng dalawang bansa ay bumubuo ng 40% ng buong daigdig, ang mga ito ay magbibigay ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan, pangangalaga ng pandaigdigang kapayapaan at pagharap sa pandaigdigang hamon, diin ni Xi. Dahil dito, ang pagtaas-baba aniyo ng relasyon ng dalawang panig ay lumampas sa saklaw ng bilateral na relasyon, at may impluwensyang pandaigdig.

Mas malaki ang impluwensiya, mas malaki ang responsibilidad, saad ni Xi. Sa kasalukuyan kinakaharap ng daigdig ang bagong pagkakataon ng pag-unlad dulot ng rebolusyong pangsiyensiya't pangteknolohiya at repormang industriyal, pati na ang hamon ng pag-ahon ng proteksyonismo at unilateralismo, paghina ng lakas-panulak sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at pagtaas ng banta sa seguridad sa di-tradisyonal na larangan. Bilang mga malaking bansa, dapat isabalikat ng Tsina at Amerika ang pagpigil sa panganib at paglikha ng pagkakataon, kasabay ng pagpapa-unlad.

Dapat pigilin ng dalawang bansa ang "sakit" sa bilateral na relasyon. Sa nakaraang pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Amerika sa Argentina, sinang-ayunan nilang magkasamang pasulungin ang relasyon batay sa koordinasyon, kooperasyon at katatagan, at ang pagkukunan ng puwersa ay "pagpigil ng pagkakaiba, at paglawak ng kooperasyon."

Ang Tsina ay pinakamakaling umuunlad na bansa, at hindi pa rin napapawi ang 1.66 milyong mahirap na populasyon ng bansa, pero, hindi pwedeng iwasan ng Tsina ang responsibilidad na pandaigdig, at kailang puspusang gumawa ng mga bagay-bagay na mahalaga para sa nasabing usapin. Bilang pinakamalaking maunlad na bansa, dapat namang isabalikat ng Amerika ang kanyang di-maiiwasang responsibilidad. Sa kasalukuyan, idinaraos ang Ika-9 na Round ng Talastasang Pangkabuhayan at Pangkalakalan sa Mataas na Antas ng Tsina at Amerika sa Washington D.C., at tiyak na ipapakita ng dalawang panig ang mga katangiang "malalaking bansa."

Salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>