Buong pagkakaisang naaprobahan Biyernes, Abril 5, 2019, ng Board of Executive Directors ng World Bank (WB) ang panunungkulan ni David Malpass bilang susunod na Presidente ng WB. Manunungkulan si Malpaas sa ika-9 ng kasalukuyang buwan na may termino na limang taon.
Minsa'y naglingkod ang 63 taong-gulang na si Malpass sa pamahalaan nina Ronald Wilson Reagan at George Herbert Walker Bush. Noong 2016, nanungkulan minsan si Malpass bilang economic adviser ni kaalukuyang Pangulong Donald Trump ng Amerika.
Salin: Li Feng