Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Embahador ng Tsina sa ASEAN: komong palagay ng Tsina at ASEAN, inaasahang mararating sa Ika-2 BRI

(GMT+08:00) 2019-04-10 17:34:30       CRI

Idinaos kahapon, sa Jakarta, kabisera ng Indonesya, ang Ika-20 Pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-China Joint Cooperation Committee (ACJCC). Ipinahayag ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN na, lubos na inaasahan ng panig Tsino na lalong pang mararating ang komong palagay kasama ng ASEAN sa Ikalawang Belt and Road Forum for International Cooperation. Dagdag pa niya inaasahan din ng Tsina na maipapaliwanag ang pokus na larangang pangkooperasyon sa hinaharap, mapapasulong ang komunikasyon sa rehiyong ito, at magkakasamang itatag ang BRI na may mataas na kalidad.

Ipinahayag ni Huang na nitong 6 na taong nakalipas sapul nang iharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang BRI, ito ay nagdulot ng malalim at malawak na epekto sa rehiyong ito at buong daigdig. Ang ASEAN ay mahalagang rehiyon ng BRI, at nitong ilang taong nakalipas, ang magkasamang pagkakatatag ng BRI ng Tsina at ASEAN ay nagtamo ng mga positibong bunga sa maraming larangang kinabibilangan ng koryente, komunikasyon at iba pa, saad ni Huang.

Samantala, ipinahayag ng mga kinatawan mula sa Pilipinas, Myanmar, Malaysia, Biyetnam at iba pang bansa na aktibong kinakatigan ng ASEAN ang BRI, at ipinalalgay nilang ito ay nagdulot ng maraming benepisyo para sa mga bansang ASEAN. Ito rin anila ay makakabuti sa komunikasyon at pag-unlad ng kabuhayan at kalakalan sa rehiyong ito. Ang Belt and Road Forum for International Cooperation na idaraos sa huling dako ng buwang ito sa Beijing ay mahalagang plataporma ng pagpapalakas ng kooperasyon ng iba't ibang panig. Nananalig ang mga bansang ASEAN na sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap, tiyak na matatamo ng porum na ito ang mahalagang bunga at magpakaloob ng malakas na puwersang tagapagpasulong para sa magkakasamang pagkakatatag ng BRI at pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>