Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, nakipagtagpo sa Commander-in-Chief ng Defense Services ng Myanmar

(GMT+08:00) 2019-04-11 15:48:18       CRI

Nakipagtagpo kahapon, Miyerkules, ika-10 ng Abril 2019, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Min Aung Hlaing, Commander-in-Chief ng Defense Services ng Myanmar.

Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Myanmar, na palakasin ang estratehikong pag-uugnayan ng dalawang bansa, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at walang tigil na payamanin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership. Sinabi rin ni Xi, na kinakatigan ng Tsina ang prosesong pangkapayapaan ng Myanmar, at sinusubaybayan ang kalagayan sa hilagang bahagi ng bansang ito. Umaasa aniya siyang, magsisikap ang Myanmar, para palakasin ang pamamahala sa hanggahan, at pangalagaan, kasama ng Tsina, ang katiwasayan at katatagan sa hanggahan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Min Aung Hlaing ang pasasalamat ng Myanmar sa Tsina para sa pagkatig nito sa pag-unlad ng estado at tropa ng Myanmar, at sa prosesong pangkapayapaan ng bansa. Ipinahayag din niya ang mainit na pagtanggap at aktibong paglahok ng Myanmar sa Belt and Road. Isasagawa ng Myanmar ang mga hakbangin para sa katatagan sa hanggahan sa Tsina, dagdag pa niya.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>