Ayon sa Asian Development Outlook 2019 na inilabas kamakailan ng Asian Development Bank (ADB), 4.9% ang tinatayang karaniwang paglaki ng kabuhayan ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa taong ito.
Bagama't ang bilang na ito ay mas mababa kaysa 5.1% noong isang taon, nananatili pa rin ito sa mataas na lebel.
Ayon pa rin sa ulat, ang malaking pangangailangang panloob at mainam na tunguhin ng pag-unlad sa mga bansang ASEAN ay mga pangunahing elementong makakatulong sa matatag na pag-unlad ng kabuhayan sa rehiyong ito.