Sinulat kahapon, Miyerkules, ika-10 ng Abril 2019, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang liham sa mga mamamayan ng etnikong minorya ng Dulong na naninirahan sa liblib na Dulong River Village, lalawigang Yunan sa timog kanlurang bansa.
Sa liham, sinabi ni Xi, na ikinalulugod niyang malamang ang buong etnikong Dulong ay ini-ahon mula sa karalitaan noong isang taon. Pinasigla niya ang naturang mga mamamayan, na patuloy na magpunyagi para sa mas maligaya at magandang pamumuhay.
Dagdag pa ni Xi, ang pagkakaroon ng maligaya at magandang pamumuhay ng mga mamamayan ng iba't ibang etniko ay hangarin niya sa mula't mula pa, at ito rin ay target kung saan magkakasamang nagpupunyagi ang lahat ng mga mamamayang Tsino.
Salin: Liu Kai