|
||||||||
|
||
Pagpasok sa Carale Robot Technology Co. Ctel. sa Binhai, Tianjin, binabati ni Mika ang mga bisita at nagpapakitang gilas na sumasayaw. Si Mika ay isang robot. Ang koponan na gumawa ng robot na ito ay binubuo ng mga batang mananaliksik ng Pamantasang Peking, Pamantasang Beihang at iba pang kilalang pamantasan sa Tsina. Nagsisikap ang koponan sa pananaliksik, paglikha at pagbebenta ng service robot na pangkalakal. Ang pangunahing produkto ng kompanya ay isang serye ng robot na tinatawag na Mika. Ginagamit ang mga ito sa mga museo sa Beijing, Tianjin, Shanghai at iba pang lungsod.
Sinasalubong ni Mika ang mga panauhin sa pamamagitan ng pagsayaw. Puwede rin itong sumagot ng tanong ng mga tao. Karaniwang ginagamit ang robot na ito sa pagbibigay ng gabay para sa mga bisita sa museo. Ihinahatid ng robot ang mga bisita sa tamang daan at ibinibigay nito ang simpleng pagpapakilala tungkol sa mga eksibit.
Sinabi ni Yin Li, chairman ng kompanya, na hindi maaaring mawala ang trabaho ng mga tagahatid dahil sa robot na ito. Nagtutulungan ang tao at ang robot para ihatid ang mga bisita. Ibinibigay ng robot sa mga bisita ang simpleng pagpapakilala tungkol sa mga eksibit sa museo at tinutugon naman ng tagahatid ang tanong ng mga bisita. Magkakaiba ang palagay ng bawat isa sa mga likhang sining at hindi puwedeng lubos na palitan ang mga tagahatid ng robot.
Salin: Sylvia
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |