Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Masarap na lutuing gantonese ng robot chef

(GMT+08:00) 2019-04-12 18:18:03       CRI

Noong Abril 10, 2019, binisita ng mga mamahayag ang Bozhilin Robotic Company na matatagpuan sa Robot Valley sa Shunde, Foshan, lalawigang Guangtdong ng Tsina. Itinatag lang ito noong nakaraang Hulyo, pero nakapag-imbento na ng tatlong henerasyon ng robot para sa pagluluto. Ang pang-apat na henerasyon ay iniimbento pa rin.

Hindi lamang kaya ng mga robot ang pagprito ng masarap na katutubong pagkaing tinatawag na "isdang empanada", kaya rin nito ang pagluluto ng iba pang lutuing Tsino sa pamamagitan ng "Faire Sauter".

Pero sayang dahil hindi pa bukas sa publiko ang mga restawran na lubos na ginagamit ang mga robot na ito. I-uupdate pa ang mga ito.

Ayon sa mga balita, nilagdaan ang isang kasunduan sa kooperasyon sa pagitan ng Hong Kong and Macao Youth Innovation and Entrepreneurship Base ng Hong Kong University of Science and Technology(HKUST), pamahalaan ng Shunde at Bozhilin Robotic Company noong Abril 9.

Alinsunod sa kasunduan, balak nilang paglingkuran nang mabuti ang mga kabataang gustong magnegosyo sa larangan ng Robotics at Artificial Intelligence sa tulong ng pag-unlad ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area(GBA) at industriya ng Shunde.

Bukod dito, tinatag din ng Bozhilin Robotic Company at HKUST ang HKUST-Bozhilin Joint Research Institute. Ang layunin nito ay linangin ang mga robotic company at buuin ang purong teknolohiya. Ginagamit muna sa Guangdong ang mga resulta ng kanilang proyektong pananaliksik.

Bilang sangay na ganap na pag-aari ng Biguiyuan Company, ang pangunahing trabaho ng Bozhilin Company ay pag-iimbento, paggawa at pagpapatakbo ng sistema ng Intelligent Robot. Ang mga produkto nito ay gagamitin sa iba't ibang larangan, tulad ng arkitektura, industriya ng pagkain, pamamahala sa ari-arian, medikal, agrikultura, smart home at industriya ng paggawa.

Salin: Christine

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>