Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-22 Harvard College China Forum, binuksan

(GMT+08:00) 2019-04-14 16:11:47       CRI
Binuksan kamakalawa, Biyernes, ika-12 ng Abril 2019, sa Boston, Amerika, ang Ika-22 Harvard College China Forum.

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Michael Szonyi, Direktor ng Fairbank Center for Chinese Studies ng Harvard University, na ang relasyong Amerikano-Sino ay relasyong may mga aktuwal na nilalaman sa iba't ibang antas, at dapat dagdagan ng dalawang bansa ang pagpapalitan para maiwasan ang di-pagkakaunawaan. Sinabi naman ni Stephen Orlins, Pangulo ng National Committee on United States-China Relations ng Amerika, na optimistiko siya sa pangmalayuang pag-unlad ng relasyong Amerikano-Sino, at hindi dapat mawala ang kooperasyon ng dalawang bansa para sa pagharap sa mga isyung pandaigdig.

Ipinahayag naman ni Li Jiarong, Pangalawang Tagapangulo ng Harvard College China Forum at estudyanteng Tsino ng Harvard University, ang pag-asang, sa pamamagitan ng porum na ito, madaragdagan ang pagkaunawa ng ibang panig sa Tsina.

Kabilang sa mga pangunahing paksa ng 3-araw na porum ay pagtatatag ng tulay para sa diyalogo ng Tsina at Amerika, internasyonalisadong pangangasiwa ng mga bahay-kalakal na Tsino, pagiging internasyonal ng edukasyon ng Tsina, at iba pa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>